๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
"๐๐ ๐๐๐ข๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ค๐๐๐กโ๐ฆ ๐กโ๐๐ ๐กโ๐ ๐๐๐ข๐ ๐ ๐๐ โ๐ข๐๐๐ ๐๐๐โ๐ก๐ . ๐ป๐ข๐๐๐ ๐๐๐โ๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐กโ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ : ๐กโ๐๐ฆ ๐๐๐ ๐กโ๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐. ๐โ๐๐ฆ ๐๐๐ ๐คโ๐๐ก ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ โ๐ข๐๐๐. ๐โ๐๐ก ๐๐ ๐คโ๐ฆ ๐กโ๐๐ฆ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ โ๐ข๐๐๐ ๐๐๐โ๐ก๐ : ๐๐๐๐ฆ ๐กโ๐๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐๐ข ๐๐๐๐ฆ ๐๐๐'๐ โ๐ข๐๐๐๐๐ก๐ฆ."
- Sen. Jose "Pepe" Diokno, Martial law victim, Former senator, Champion of Human Rights.
Ang kataga sa itaas ay mga binitawang salita ni Jose "Pepe" Diokno--dating mambabatas, biktima ng martial law sa diktadura ni Marcos, kampeon ng karapatang pantao. Malinaw ang batid nitong mensahe na ang usapin ng karapatang pantao ay labas sa pagiging abstrak na konsepto nito sa legal o akademikong larangan. Bagkus, usapin ito ng buhay na sa puntong natatamasa ito ay tanyag na binubuo ang ating dignidad higit lalo ang ating pagkatao. Kung kaya naman, nararapat na ito'y pagbantayan at supilin ang anumang oportunidad na pagyurak sa ating mga batayang karapatan.
Sa rehimen ni Duterte, dumanak at nag-uumapaw ang dugo sa lansangan. Iba't ibang karumal-dumal na mga malawakang paglabag sa karapatang pantao ang sanhi nito. Sa pagsugpo laban sa droga, kahirapan, at maging sa kasalukuyang krisis pangkalusugan, kagyat siyang kumapit sa militaristikong solusyon. Dahil sa kaniyang kriminal na kapabayaan sa pagsugpo nito, libo-libo ang tinanggalan niya ng kabuhayan. Idagdag pa na nalalagay sa matinding peligro ang kalidad ng edukasyon ng mga kabataan sa moda ng pagkatutong mas pinalala pa ang bulok na sistema ng mala-pabrikang oryentasyon nito. At sa usapin ng kalayaan, nariyan ang pang-aatake ng estado sa mga mamamayahag, aktibista, abogado, at sinumang maglalakas-loob na madinig ang kritikal na boses na umaabot sa puntong pagpatay at mas ginawang lehitimo pa sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Terror Law na labag sa konstitusyon.
Kabuhayan, Karapatan sa hustisya, Kalidad na edukasyon, Kalusugan, Kalayaan--kung susumahin, plastadong kinumpleto ni Duterte ang mulat niyang pagyuyurak sa batayang karapatan ng mamamayang Pilipino. Pinatutunayan na si Duterte at ang mga alipores niya ang numero unong pahirap sa sambayanan.
Ngayong pandaigdigang araw ng karapatang pantao, alalahanin natin ang mga kasalanang ito ng pasista't diktador na si Duterte at kolektibo tayong kumilos at sumulong upang mapigilan ang pagpapahirap sa sambayanan. Ngayon, higit kailanman, ang tamang panahon para iangat ang tunay na interes ng masa at panagutin ang administrasyon ni Duterte sa pagbabalasubas sa bansa. Sa darating na Halalan 2022, ating ipanawagan na isulong ang pagsasakatuparan ng mga demanda ng bayan para sa bayan. Iakyat natin ang antas ng diskusyon sa pagpili ng mga susunod na mamumuno na lampas sa personalidad at nararapat na pagsuri sa bitbit na mga kampanya. Itaas at mas paingayin pa ang panawagang tutulan ang panunumbalik ng mga pahirap, mamamatay-tao, at diktador na Marcos-Duterte-Estrada-Arroyo sa kapangyarihan!
Ang konseho ng Kolehiyo ng Agham Pampulitika at Pampublikong Administrasyon, kahanay ang bawat kabataang lingkod-bayan at malawak na hanay ng masa, ay kaisa sa pagtindig para sa ating karapatang pantao.
Malagim man ang panahon ngayon, ngunit sa ating pagkakaisa at kolektibong pagkilos, posible ang pangako sa atin ng liwanag ng kinabukasan.
Para sa bayan.
References:
Comments