top of page
Search
Writer's pictureCPSPA Student Council

Bonifacio Day

Ngayong araw ng Nobyembre 30, ating gunitain ang ika-158 na araw ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, ang tinaguriang Supremo ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan Anak ng Bayan (KKK) at Ama ng Rebolusyonaryong Pilipino.

Taong 1892, itinatag ni Bonifacio ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan Anak ng Bayan o KKK, ito ay samahan na binubuo ng pinagkaisang mga Pilipino na may iisang mithiin, ang makalaya at makamtan ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga mananakop at mapang-abusong Espanyol sa pamamagitan ng armadong himagsikan.

Sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan, ang sinapit ni Bonifacio sa kamay ng mga kapwa-Pilipino at Emilio Aguinaldo ay isang mapait na katotohan na sadyang napalilibutan tayo ng mga traydor, mapanlinlang, ganid, at huwad na lider na walang interes upang pagsilbilhan ang ating bayan kundi para lamang maghari-harian sa ating bansa at magpakatuta sa labas. Labis-labis din ang pagpapahirap na dinanas ng mga aktibista o sinumang indibidwal na siyang nagbibigay puna at kritisismo sa pamamahala ng estado, kasama ang pwersa ng militar at kapulisan, sila ay dinadakip, pinararatangan ng gawa-gawa atwalang mga basehang kaso, tinotortyur, at pinapapatay.

Ipinanawagan nating makiisa at tumindig ang bawat kabataan sa hanay ng masang anakpawis sa pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa, karapatan, katarungan, at tunay na demokrasya para sa bansa na siyang simulain ni Gat Andres Bonifacio. Tayo ay kumilos, magpa-organisa, mag-organisa, at makibaka para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. Hindi patitinag ang pakikibaka ng masang api. Lupigin at tuldukan ang pang-aapi ng pasistang estado! Tuldukan at pigilan ang rehimeng US-Duterte, ang sanib-pwersa at napipintong pagbabalik ng berdugo, mamamatay-tao na tambalang Marcos-Duterte!

Ngayong araw ni Bonifacio, ating bigyang-pugay ang ipinakitang niyang katapangan, at kadakilaan na siyang naging daan upang makamtan natin ang kalayaan. Bilang mga kabataan-estudyante, nawa'y maging inspirasyon ito upang makiisa sa pakikibaka ng masang anakpawis na siyang pangunahing pwersa ng ating bansa. H'wag nating hayaang mapasailalim tayo ng paulit-ulit sa mga elitista, papet, huwad na lider na siyang naghaharing-uri na alipin ng kanilang pagkaganid at sariling interes! Biguin ang pagbabalik ng isang Marcos! Biguin ang tambalang Marcos-Duterte! Mga kabataan, kasama ang masang Anakpawis, kumilos at lumaban para sa kabuhayan, karapatan, at kalayaan! #BonifacioDay #CPSPASC



0 views0 comments

Comments


bottom of page